An gating wika ay patuloy na nagbabago sa pamamaraang nadaragdagan at nababawasan ang mga salita na ating ginagamit at patuloy itong lumalawak at umuunlad dahil sa patuloy na paggamit natin dit.
Tayong mga Pilipino ay mabilis mahikayat kung ano ang nakikita n gating mata, a sariling atin ay ating nakakalimutan. Minsan ay nagiging maganda ito sa atin dahil lumalawak an gating wika ngunit sa panahon ngayon ay maraming mga kabataan ang nahihikayat sa mga banyagang wika kaya madalas ay nakakalimutan na natin an gating wika gayundin ang mga pananamit nila ay atin ng ginagaya.
Sa mga paaralan ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa tuwing sumasapit ang buwan ng Agosto. MAraming mga aktibidad ang dinaraos gaya ng patimpalak na kabilang na lang ng mga spoken poetry, tula at poster making contest at iba pa. Sa paraang ito ay hinihikayat an gang mga gaya ko estudyante na makilahok, gamitin, isabuhay at paunlarin ang sarili nating wika.
Tandaan, na ang wikang Filipino ang kinagisnan nating wika at ito an gating itatak sa ating isipan na kahit marami mang lenggwahe ang ating matutuhan ay huwag natin burahin sa ating isipan na ang Filipino ang ating sariling wika at ito’y ating paunlarin.